Jan 26 2012

I don't like turtlenecks. Ikaw? Para kasing walang taong babagay sa turtlenecks na damit.

Anonymous

Ayos lang. Para sa akin, meron. Si Carl Sagan, si Bert ng Sesame Street at si Howard ng TBBT. :)) 

Jan 26 2012

Cool blog you got here! <3

sweetyjhey

Thanks, fellow Thomasian! :) Cool ng outfit mo for Velada Tomasina. :D

Jan 23 2012

Thank youuuuuuuuuuuuuu! >:D<

iramariano

NP! :D Isa yun sa mga paborito ko e. Hihihi!

Jan 23 2012

Para sa kaalaman ng lahat si Abbie ay achiever magmula pa nung kinder. Math, Science, English you name it, she nails it! May saltik lang talaga tong kaibigan ko. Girl scout din pala yan. :))

ongicey

Kaya mahal kita e. Ano ba kapalit ne’to? PAINTING? :))

Jan 23 2012

lol hilig mo math? di naman sa nagmamataas ako ha, pero yung itsura mo kasi, yung mukhang bobo sa math. yung hilig lang e magdrowing sa klase habang naglelecture yung prof. hehehe peace!

Anonymous

Ok, sige. BS Biochemistry ang kinuha ko at hindi naman ako nag-major ng math. May 5 math subjects kami na ang katumbas bawat isa ay 3 units, so 15 units lahat ang nakuha ko from math subjects: MATH101 College Algebra, MATH102 Trigonometry, MATH108 Diff Calculus, MATH109 Int Calculus at MATH600 Biostatistics.

di naman sa nagmamataas ako ha, pero yung itsura mo kasi, yung mukhang bobo sa math. yung hilig lang e magdrowing sa klase habang naglelecture yung prof.

Hindi rin naman sa nagmamataas ako or nagmamayabang ha, pero isa lang ang hindi ko na-1.00 — ang MATH600. Yung panahon na yun, nagsisimula na kami gumawa ng thesis proposal. 1.50 ang nakuha ko sa Biostat. K. 

At kelan pa naging batayan ng “talino” ang itsura ng tao? 

Jan 23 2012

What do you want to prove this 2012?

Anonymous

Fermat’s Last Theorem. K.

Jan 22 2012

You, really, are an awesome artist :>

missanndee

You are so sweeeeet. Thanks! :’>

Jan 21 2012

Alam mo dapat nag-fine arts ka nalang, or anumang related sa art na course. Sayang kasi talent mo. Tignan mo ginagawa mo, ano yan? CHARITY WORK? Kumikita kaba? Hindi ako hater, pero nasasayangan lang ako, kung nag-fine arts ka, edi okay lang. Kaso science-course kinuha mo? O ano napala mo? Feel ko lang, yung mga kumukuha ng science courses, parang feel ko, walang kwenta. Opinyon lang, hindi ako hater. Gusto ko nga gawa mo e. :)

Anonymous

Feel ko lang, yung mga kumukuha ng science courses, parang feel ko, walang kwenta. Opinyon lang, hindi ako hater. Gusto ko nga gawa mo e. :)

Okay, hindi ka hater, anon. Talagang sinabi mo lang na “walang kwenta” yung mga kumukuha ng mga science courses. Ayoko na sana sagutin ito, kasi galing naman ito sa isang anon.

Una sa lahat, bago ako nagcollege, gusto ko lang malaman mo na lahat ng courses na pinili ko ay science-related courses: Biotechnology, Chemical Engineering, Medical Technology, Biochemistry, Chemistry. Hindi ko alam kung bakit mo nasasabing walang-kwenta, yang gamit mong pc/laptop, produkto yan ng science and technology. Bawat galaw mo, may science. Wala na, lagot ka.

Kaso science-course kinuha mo? O ano napala mo? 

Okay. Nag-eexcel ako academically, nakapasa ako ng board exam, mahal ko ang kapwa-Biochem ko, naeenjoy ko ang mga subjects namin at marami akong natutunan na siguro, hindi mo kaya maintindihan or ayaw mong intindihin dahil iniisip mong “wala itong kwenta”. YES, MASAYA AKO. MASAYANG-MASAYA. Belat. :P

Alam mo dapat nag-fine arts ka nalang, or anumang related sa art na course. Sayang kasi talent mo. Tignan mo ginagawa mo, ano yan? CHARITY WORK? Kumikita kaba?

Libangan ko lang naman ito. Hindi ko ito ginagawa para kumita. Okay na ako kapag nagugustuhan nung tao yung ginagawa ko. Gaya nga ng sabi mo, hindi ako graduate ng FA. So, hindi ito ang profession ko. Ikaw, siguro, art-person ka. E di pagkakitaan mo ginagawa mo. Wala namang masama e. And anon, hindi naman lahat ng nagdrodrowing or nahihilig sa arts, required na dapat maging Fine Arts o anumang art-related ang course. May mga kilala nga akong hindi naman nakapag-college at hindi naman Fine Arts students, pero hinahangaan ko sila sa galing nila. K.

Next time, mention mo naman name mo, pero siguro nga, sa way ng pagkaka-ask mo, dapat lang siguro na anon ka. Hehehehehe.

Jan 21 2012

Ang galing galing moo mehhn. sa lahat ng pusit, ikaw idol ko.

weelui

Salamat pare :D Ikaw din, idol kita. Gusto ko mga gawa mo. HAIL ENGINEERING PEOPLE.